MacArthur,Leyte Ang Pinagmulan
MacArthur,Leyte
Ang Pinagmulan
Noon unang panahon, itong
ating lugar ay na babalutan pa ng ma kakapal na kakahuyan.
Sagana sa mga pag kaing lupa,dagat
at tubig tabang kung kayat maraming dumayo at lumipat at tumira dito.
Ng lumaon ang lugar ay naging maliit na komunidad na
napag pasyahan ng mga naka tira na tawaging sityo BAGACAY sa kadahilanang
maraming Bagacay sa lugar( isang uri ng kawayan).
Sa paglipas ng panahon
uti-unting lumaki ang nasabing kumunidad naging kaparte sya ng Abuyog Isang
Munisipyo sa leyte noong panahon ng kastila.
Taon ng 1880 bumisita sa
komunidad ng Bagacay ang isang Kastilang Pare si Padre BERNARDO TAPIOL siya ay Kura
paruko ng Abuyog napuna niya ang mabubuting ugali ng mga nakatira sa bagacay kung
kayat napag disisyonan niya na ang lugar ay kalakip na sa kanyang misyon, uti
uting naturoan ang mga taga sityo bagacay ng doktrina kristyana at nakumbinsi
ang karamihan na mabinyagang kristyano, ng dahil ditto mas lalo pang minahal ni
Padre ang barrio bagacay kung kayat pinalitan niya ito ng katawagan , tinawag
nya itong TARRAGONA lugar kon saan siya pina nganak sa espanya.Ang Barrio
BAGACAY ay naging Barrio TARRAGUNA ng ABUYOG ,Leyte.
Ng taon 1898 ng si Gen.MOHICA an Gobernador Militar ng Leyte
Naging Municipyo ang Barrio TARRAGONA nangyari ito sa panahong si EMILIO AGUINALDO
ang Presedente ng Pilipinas. At si ATANACIO JERVOSO ang kapitan ng
TARRAGONA,Leyte Peru Nabalik din ito sa Pagiging Barrio sa kadahilanang di nag
tagal ang Ang Republica Filipina Ni Gen.
EMILIO AGUINALDO.
Ng dahil natikman na ng mga
taga TRRAGONA ang tamis ng Nakahiwalay sa ABUYOG hindi tumigil mangarap ang mga
taga ditto patuloy ang pag kakaisa.
Pagkatapos ng Panahon ng mgaAmericano
ay nabuhayan ng loob ang mga taga TARRAGONA ng maaprobahan ang pitisyong mahiwalay
ang TARRAGONA sa ABUYOG peru sa kadahilanang may malaking krisis ang Pilipinas
ang utos ni Gen. DWIGHT DAVIS ay hindi na isagawa.
Patuloy ang pakikiusap ng
mga taga TARRAGONA hanggang Nag umpisa Ang ikalawang digmaang pandaigdig ,maslimoot ang kabanatang
ito sa mga Pilipino, malakas ang pwersa ng mga Hapon Kung Kayat si GEN. DOGLAS
MACARTHUR naguna sa hokbong amerikano ay sumuko at tumakas patungong australia at na ngakong babalik “I’LL
SHALL RETURN “ eka nga.
Taon 1943, Jose P. Laurel . ang
pinaupong Pangulo ng mga hapon sa bansang pilipinas at sa paguguna ni Sen. JUAN
VELOSO ng Leyte, Nabalik na naman sa
Pagiging munisipyo ang TARRAGONA, sina ANTONIO MATOZA sa posisyong MAYOR,
FABIAN PANTIN sa posisyong VICE MAYOR, si CALIXTA MATOZA sa posisiyong
sekretarya, si ALEJANDRO NUEVAS sa posisyong
TREASURER ay itinuro mging opesyal ng nasabing municipyo at sina LEON JERVOSO,MARIANO
AQUINO ang mga kunsihal at si MARCIANO LUMBRE biling chief of Police at JUAN
BALASBAS bilang LIASON OFFICER.
Oktubre 20,1944, dumaong ang
Liberation forces sa RED BEACH ng Palo,
Leyte sa Panguguna ni Gen DOGLAS MACARTHUR tinupad ang Panggakong Siya ay
babalik. Ngayon ang mga taga Tarraguna ay Humuhinggi na naman ng
pabor na ma ibalik sa pagiging munisipyo ang TARRAGONA dahil naibalik nan man ito
sa pagiging barrio.
Hulyo 4.1946 binigyan ng kalayaan
ang Pilipino na mag Karoon nga sariling pamamalakad sa kanilang Gobyerno.
Sa taong 1949 naging Gongressman ang ika apat
na distrito ng leyte, si Cong. DANIEL Z. ROMUALDEZ siya ay nag pasa ng batas sa
kongreso numero 141 na gumawa ng isang Munisipyo sa leyte, peru ito ay hindi na aprobahan
dahil sa may ayaw ang Abuyog , Hindi tumigil ang GONGRESSMAN sa misyong Gawing
Munisipyo ang TARRAGONA. Kaya NOONG HULYO 17,1950 sa wakas na lagdaan ng Pres.
ELPIDIO QUIRINO angkautusang gawing Munisipyo ang TARRAGONA ito ay may
effective order NO. 324. Na kung saan tinawag itong Munisipyo ng MACARTHUR ng
Leyte.
Ng oktobre 20 ng taong 1950 nag
karoon ng Inagurasyon ng MACRTHUR,LEYTE at dito tinuro ang mga opisyal na
ginawad ng Pangulong ELPIDIO QUIRINO
MAYOR JESUS OLMIDO SECRETARY BARNABE JUANILLO
VICE
MAYOR JUAN
Z. FERNANDEZ MUN JUDGE ATTY.ANTONIO AYA-AY
KONSIHALES MARCELO MARGATE TREASURER GREGORIO BASIBAS
ALIPIO
MOQUIA CHIEF OF
POLICE ENRIQUE TISADO
FABIAN PANTIN SANITARY MARIANO MERCADO
MARIANO
AQUINO POSTMASTER JOSE ESPARAS
Sa huli sa kabila ng pinag
daanan halos isan daang taon, karoon din ng katuparan ang Macarthur na ma
bigyan ng kasarinlan.
Thank you po rito! Nakatulong po sakin. Pero may kaunting kalituhan lang po sa pagiging municipality ng macarthur. sa taong 1943, naging municipality ang macarthur. then, sa Oktubre 20,1944 ay humingi ng tulong ang mga tao ulit upang ma-restore uli ang Tarragona. and sa HULYO 17,1950, ay naging municipality ulit.
TumugonBurahinsa wikipedia, may website link ang macarthur. unfortunately, not working. If you have connections with the municipality, I can restore and maintain the website.